28,459 positibo sa COVID-19

June 20, 2020

 

 

Umakyat na sa 28,459 ang kabuuang bilang ng covid-19 cases na naitala sa bansa.

 

Ito ay matapos makapagtala ang Department of Health ng 661 na karagdagan pang kaso.

 

Sa mga bagong bilang na ito ay 460 ang fresh cases habang 201 naman ang late cases.

 

Sa mga fresh cases, 277 ang mula sa National Capital Region, 21 sa Region 7, ang 162 naman ay mula sa iba pang lugar sa bansa.

 

Sa mga late cases naman, ang 40 ay mula sa NCR, 103 mula sa Region 7 at 58 naman sa iba pang lugar sa bansa.

 

May naitala namang 288 na nakarekober mula sa sakit. Dahil dito, umakyat na sa 7,378 ang bilang ng mga pasyenteng gumaling mula sa virus.

 

May 14 namang naitalang nasawi dahil sa covid-19. Sa ngayon, umabot na sa 1,130 ang kabuuang bilang ng nasawi sa bansa dahil sa covid-19.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.