22,000 pamilya, doble ang SAP — DSWD

June 20, 2020

May 22,000 libong duplicate beneficiaries sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) ang nadiskubre ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

 

Ito ang dahilan ayon kay DSWD Usec. Rene Glen Paje ang dahilan kaya mas pinaigting nila ang validation sa mga benepisyaryo at liquidation sa mga isinumiteng report ng mga lokal na pamahalaan para sa unang tranche ng SAP noong Abril.

 

Kasabay nito, sinabi ni Paje na 1,556 sa 1,634 LGUs lamang ang nakapamahagi ng 100 porsiyento ng unang tranche ng ayuda.

 

Sa ilalim ng SAP, P5,000 hanggang P8,000 ang ipinagkakaloob na cash subsidy ng pamahalaan. Tinatayang nasa 17.6 milyon na low income families ang nakatanggap ng nasabing ayuda.

 

Kaugnay nito, sinabi ni Paje na sinimulan na rin ng DSWD ang pamamahagi ng SAP sa mga benepisyaryo na hindi nakatanggap noong unang tranche ng cash aid.

 

Nitong nakaraang linggo, sinimulan na rin ng DSWD ang pagre-release ng second tranche ng SAP para sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.

 

Aabot aniya sa P6.7 bilyon ang inilabas na pondo para sa SAP ng may 1.3 milyong 4Ps beneficiaries na mayroong cash card.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.