‘Di lang daw sa seguridad ng ‘Pinas | Ibinulgar: Chinatel, banta sa privacy ng internet subscribers

June 20, 2020

Tumindi pa ang pangamba na magdudulot ng panganib hindi lang sa seguridad ng Pilipinas ang partisipasyon ng China Telecom sa tinawag na third telco na ang prangkisa ay naipagkaloob na ng Kongreso sa Dito Telecommunity consortium.

 

Ayon kay Deputy Minority Leader Isagani Zarate, may mga bagong isyung kinasasangkutan ang state-owned telecom ng Tsina na kung mapatunayan ay lubhang mapanganib hindi lang sa seguridad ng bansa kundi maging sa privacy ng bawat internet subscribers.

 

Binanggit ni Zarate ang FireEye Mendiant na siyang telecom watchdog na sumusubaybay sa malware na tinawag na “MessageTap” na pinagdudahang magagamit para i-monitor at i-save ang mga madudukot nilang messages mula sa pribado o taga-gobyernong subscribers ng ibang cellular networks.

 

Isa pang miyembro ng Kamara ang nagpahayag na dapat repasuhin ng Kongreso ang papel ng China Telecom sa loob ng third telco at sa national grid ng bansa dahil sa isyu ng national security.

 

“Maging ang posisyon natin sa pagbawi sa mga islang kinubkob ng Tsina ay humihina dahil sa mga kompromisong pinasok ng ating gobyerno sa kanilang mga mamumuhunan,” pahayag ni Rep. France Castro.

 

Nauna rito ay nagpahayag na rin ng pangamba si Sen. Grace Poe, chair ng Senate public service committee, sa pagkontrol ng China Telecom sa internet traffic ng bansa na posible umanong gamitin ng kanilang gobyerno laban sa interes ng bansa at sa mamamayang Filipino.

 

Maging si Sen. Francis Pangilinan ay may nauna nang babala na posible ring gamitin ng nasabing state-owned China Tel ang kanilang mando na mangalap ng mga impormasyon para sa kanilang gobyerno alinsunod sa kanilang batas na National Intelligence Law of 2017.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.