top of page
Search
  • Mylene Alfonso

Tserman niratrat, todas


Utas ang isang barangay chairman habang sugatan ang kanyang kagawad matapos pagbabarilin kahapon ng madaling-araw sa Quiapo, Manila.

Dead-on-arrival sa UST Hospital ang biktimang si Abubakar Shariff, 32, chairman ng Bgy. 384 Zone 30. Tinamaan naman ng ligaw na bala ang kagawad na si Malik Abdulah.

Ayon kay Police Lt. Col. Reynaldo Magdaluyo, alas-12:00 ng hatinggabi nang mangyari ang insidente kung saan nasa loob umano ng kanilang tinatayong barangay outpost ang biktima, kasama ang iba pang opisyal ng barangay nang dumating ang mga armadong kalalakihan na hindi matiyak ang bilang.

Inatasan umano ng mga suspek ang mga inabutan sa lugar na dumapa kasunod nito ay pinagbabaril na si Shariff.

Nabatid na noong June 28, 2012, pinagbabaril ang ama ng biktima na si Sainal Shariff at napatay ng mga armadong kalalakihan na pumasok sa kanilang bahay.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa posibleng motibo ng krimen.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page