27,799 positibo sa COVID-19

June 19, 2020

 

Umakyat na sa 27,799 ang kabuuang bilang ng covid-19 cases na naitala sa bansa.

 

Ito ay matapos makapagtala ang Department of Health ng 562 na karagdagan pang kaso.

 

Sa mga bagong bilang na ito ay 481 ang fresh cases habang 81 naman ang late cases.

 

Sa mga fresh cases, 120 ang mula sa National Capital Region, 273 sa Region 7, ang 88 naman ay mula sa iba pang lugar sa bansa.

 

Sa mga late cases naman, ang 33 ay mula sa NCR, 26 mula sa Region 7 at 22 naman sa iba pang lugar sa bansa.

 

May naitala namang 270 na nakarekober mula sa sakit. Dahil dito umakyat na sa 7,090 ang bilang ng mga pasyenteng gumaling mula sa virus.

 

May 9 namang naitalang nasawi dahil sa covid-19. Sa ngayon, umabot na sa 1,116 ang kabuuang bilang ng nasawi sa bansa dahil sa covid-19.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.