top of page
Search
  • Pabs Hernandez III

U.S. at EU, baka mamura na naman ni P-Duterte dahil sa pagkampi kay Maria Ressa

KAYA HINDI MASUGPO ANG VIRUS SA ‘PINAS KASI ANG NAMUNO LABAN SA COVID-19 AY MGA RETIRED GENERALS—Para kay Dr. Clarita Carlos, Political Psychology and Comparative Foreign Policy Analyst, walang strategy ang gobyerno kung paano masusugpo ang COVID-19. Ito ay dahil retired military generals daw ang mga decision maker sa paglaban sa COVID-19, kumpara sa ibang bansa na mga virologists at epidemiologists ang mga namumuno sa pagsawata ng virus sa kanilang bansa.

So ngayon, alam na ng taumbayan kung bakit patuloy na dumarami ang mga tinatamaan ng deadly virus sa ‘Pinas, boom!

◘◘◘

GULUNG-GULO NA ANG MGA MAGULANG, HINDI NILA ALAM KUNG SINO ANG SUSUNDIN KINA SEC. BRIONES AT DEPED SPOKESMAN MALALUAN—Kapag nagbigay ng statement ang mga opisyal ng gobyerno, kadalasan ay magkasalungat ang kanilang isinasapubliko.

Ayon kay DepEd spokesman Nepomuceno Malaluan, dapat magtungo sa mga eskuwelahan ang magulang ng mga mag-aaral para ipa-enroll ang kanilang mga anak, taliwas sa unang sinabi ni DepEd Sec. Leonor Briones na walang face to face enrollment dahil online enrollment ang ipaiiral ng DepEd.

Dahil d’yan, gulung-gulo na ang isip ng mga magulang kung sino kina Sec. Briones at DepEd spokesman ang susundin, buwisit!

◘◘◘

GMA NETWORK, DAMAY NA SA ISYUNG PDRs NG ABS-CBN—Dahil pinalalabas nina SAGIP Partylist Rep. Rodante Marcoleta, Kalusugan Partylist Rep. Mike Defensor at Cavite Rep. Boying Remulla na illegal diumanong “makisosyo” ang mga dayuhan sa mga negosyo sa bansa sa pamamagitan ng PDRs o Philippine Depository Receipts tulad ng ginagawa ng ABS-CBN ay hinirit ni Nueva Ecija Rep. Micaela Violago na imbitahan din sa Kongreso ang mga opisyal ng GMA network para usisain din ang kanilang PDRs.

Ayan na, pati ang GMA network ay nadamay na sa panggigipit ng mga congressman sa prangkisa ng ABS-CBN, boom!

◘◘◘

U.S. AT E.U., BAKA MAMURA NA NAMAN NI P-DUTERTE—Binatikos ng tatlong U.S. senators, ang mga dating opisyal ng Amerika at mga bansang nakapaloob sa EU (European Union) ang gobyernong Duterte dahil sa hatol na guilty ng korte sa kasong cyber liber kina Rappler CEO Maria Ressa at former writer Reynaldo Santos, Jr..

Nakupo, dahil sa “pakikialam” na naman ng mga dayuhang ‘yan sa panloob na isyu sa ‘Pinas, malamang ay kahit panahon ng pandemyang COVID-19, makatikim na naman sila ng mura kay P-Duterte, abangan!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page