Pagsunod sa health protocols, dapat higpitan dahil tumataas pa bilang COVID-19 cases!

June 18, 2020

Ms. Korina Sanchez / Isyung 'K'

  

Mananatili sa general community quarantine ang buong National Capital Region at marami pang lugar sa bansa. Ito ay sang-ayon sa inilabas na abiso mula sa Palasyo kamakailan.

 

Matatandaang, Hunyo 1 nang unang inilagay sa GCQ ang Metro Manila at ayon sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ay pag-aaralan pa nila matapos ang dalawang linggo kung ano ang mga susunod na hakbang.

 

Kaugnay nito, nagpahayag ang Philippine National Police (PNP) na daragdagan nito ang kanilang puwersa sa Cebu City, partikular sa Talisay na ngayon ay nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) nang sa gayun ay mas maipatupad ang paghihipit sa mga health protocols. Ito ay kasunod ng pagtaas ng bilang ng mga positibong kaso na naitala nitong nakaraang dalawang linggo.

 

Sa kasalukuyan, humigit-kumulang 26,000 na ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Sa pagdaan ng mga araw, mas nadaragdagan pa ang bilang nito.

 

Sa kabila nito, wala pahayag mula sa Department of Health (DOH) kung ano na nga ang sitwasyon sa bansa, kung “flattening of the curve” na.

 

Marahil ay nakahinga na ang mga taga-Metro Manila dahil hindi sila muling naisailalim sa ECQ o MCCQ. Paniguradong maraming negosyo at manggagawa ang hindi sasang-ayon kung nangyari ito. Kung sakaling ganu’n ang mangyari, may kakayahan pa ba ang gobyerno na magbigay ng tulong sa mga apektadong mamamayan?

 

Sa ngayon ay mukhang sa mamamayan pa nila nais kumuha ng pondo sa kanilang panukala na patawan ng buwis ang mga online seller.

 

Maitanong lamang natin, ang mga Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) na pagmamay-ari ng mga Chinese, nagsimula na bang magbayad ng kanilang buwis na ayon sa mga ulat ay umabot na sa bilyones? Kung iisipin, malaking halaga ‘yun kumpara sa buwis na masisingil sa mga online seller.

 

Makakatulong ang malaking halaga na ‘yun upang tugunan ang pangangailan ng bansa sa paglaban sa pandemya, hindi ba?

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.