top of page
Search
  • Thea Janica Teh

Pagbabayad ng kontribusyon sa PhilHealth, extended!

Bulgarific

HELLO, Bulgarians! Dahil sa COVID-19 pandemic, muling pinalawig ng PhilHealth ang deadline sa pagbabayad ng kontribusyon para sa mga self-paying members hanggang Hunyo 30, 2020. Samantala, ang flexible at deferred payment scheme naman ay nananatiling option para sa overseas Filipino worker members.

Sa Advisory No. 2020-038 na ipinalabas ng ahensiya, itinakda nito ang pagpapalawig ng pagbabayad ng kontribusyon hanggang sa katapusan ng Hunyo 2020 para sa self-earning individuals, professional practitioners at kabilang sa group enrolment schemes. Maaari nila itong bayaran sa alinmang accredited collecting agents (ACAs) at local health insurance offices (LHIOs) ng PhilHealth, nationwide.

Samantala, ang mga employer sa pampubliko at pribadong sektor ay maaaring mag-remit para sa applicable months ng Pebrero, Marso at Abril 2020 hanggang Hunyo 22, 2020 ng walang interest alinsunod sa Bayanihan To Heal as One Act, sa alinmang LHIOs, ACAs pati na sa CIS Bayad Centers at third party agents nito o sa pamamagitan ng electronic premium remittance system (EPRS) online.

Sa isa pang Advisory No. 2020-037, pinayuhan ang mga OFWs na saklaw ng pagpapatupad ng Universal Health Care Law na magbayad ng paunang P2, 400 at ang balanse ay maaaring bayaran sa loob ng 12 buwan mula sa petsa ng paunang bayad.

Nilinaw din ng PhilHealth na ang pagbabayad ng kontribusyon ay nananatiling voluntary habang nakataas ang pandemya at ang mga probisyon ng UHC Law ay nananatiling applicable bagama’t pansamantalang suspendido habang ito ay pinag-aaralan pa sa Kongreso.

Pinayuhan naman ang mga repatriated migrant workers o OFWs in distress na magpasa sa local social welfare officers ng sertipikasyon mula sa Overseas Workers and Welfare Administration (OWWA) para sila ay maibilang sa Indirect Contributors ng programa. Sa ilalim ng batas UHC, ang kontribusyon ng indirect contributors ay sinasagot ng pamahalaan.

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page