top of page
Search
  • Socrates Magnus

Lugar na na-demolish at patay na kapitbahay

Salaminin natin ang panaginip ni Tootskie na ipinadala sa Facebook Messenger.

Dear Professor,

Palagi kong napapanaginipan ‘yung lugar namin noong 2013 na na-demolish. Kasama ko sa panaginip ko ‘yung mga kapitbahay kong patay na. Tulad kanina, napaginipan ko na nasa kanya ako. Ano ang ibig sabihin ng panaginip kong ito?

Naghihintay,

Tootskie

Sa iyo Tootskie,

Ang patay na ay patay na. Ang tapos na ay tapos na. Ang wala na ay wala na. Ang nagdaan na ay nagdaan na. Ibig sabihin, kalimutan mo na ang nakaraan na nagsasabi ring huwag kang mabuhay sa nakaraan. Alam mo kung bakit? Dahil nagmumulto ang nakaraan kapag ito ay hindi kinalimutan. Gayundin, ito ang dahilan kung bakit ka nananaginip ng patay na.

Kapag hindi kinalimutan ng tao ang nakaraan, hindi siya makapagsisimula ng bagong buhay. Ang hindi pagtanggap sa nangyari ay hadlang sa magagandang bagay na darating.

Kaya ang payo, i-demolish mo na ang nakarang buhay mo nang sa gayun ay mabuhay ka sa bagong kapaligiran kung saan mayayakap mo ang mga bago at magagandang kapalaran.

Muli, ang patay na ay patay na. Ang tapos na ay tapos at ang wala ay wala. Kapag ito ay iyong natanggap, magkakaroon ka ng bagong magagandang kapalaran.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page