Nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 pandemic, nahihiya sa mag-ina na nagtatrabaho

June 15, 2020

 

Dear Roma,

Tawagin mo na lang akong Rey, 50-anyos. Tulad ng marami nating kababayan, nawalan ako ng trabaho dahil sa COVID-19 pandemic dahil napilitang magbawas ng empleyado ang kumpanyang pinapasukan ko. Plano kong maghanap ng bagong trabaho, pero mukhang malabo dahil sa panahon ngayon, halos wala nang kumpanya na tumatanggap sa aplikanteng may edad na at isa pa, maraming kumpanya ang nagsara. Sa ngayon, misis ko at ang isa kong anak ang nagtatrabaho sa pamilya namin kaya nahihiya ako sa kanila. Ako ang padre-de-pamilya kaya ako dapat ang bumubuhay sa kanila. Wala akong pinagkakaabalahan ngayon kundi ang pagsilbihan sila dahil ito lang ang maitutulong ko. Ano’ng gagawin ko? –Rey

 

Rey,

For sure, nauunawaan ng misis at anak mo ang sitwasyon mo dahil hindi mo naman ginusto ang nangyari. Tulad ng sinabi mo, mahirap talagang maghanap ng trabaho ngayon dahil maraming kumpanya ang nagsara at nagbawas ng empleyado kaya ang pinakamabuti mong magagawa ay tumulong sa iyong pamilya sa paraan na kaya mo. Tumulong sa gawaing bahay, ipagluto at makipag-bonding na rin sa kanila. Kaya mo ‘yan, tiwala lang!

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.