top of page
Search
  • Socrates Magnus

Gintong kuwintas, simbolo ng kaligtasan laban sa masasamang tao at elemento

Salaminin natin ang panaginip ni Marydyn na ipinadala sa Facebook Messenger.

Dear Professor,

Nanaginip ako ng dalawang kuwintas, ‘yung isa ay makapal tapos may design sa loob na manipis. Inalis ko ‘yung nasa loob at isinuot ko dahil kuwintas din pala ‘yun. Gold ‘yung dalawang kuwintas na napanaginipan ko.

Naghihintay,

Marydyn

Sa iyo Marydyn,

Sa buong mundo, ang pagsusuot ng kuwintas, lalo na ang gold necklace ay in na in. Ito ay laging napapanahon, as in, noon pa man, sa mga lumang sibilisasyon ay nagsusuot na ng kuwintas ang mga tao. May mga tradisyon na dala lang ng panahon, kumbaga, natatapos din kung saan parang nagsasawa ang mga tao, pero muli ring babalik. Ang tawag dito ay fashion kung saan ang uso ay pabalik-balik lang. Pero ang pagsusuot ng kuwintas, puwedeng sabihin na forever o walang katapusan hanggang sa darating pang panahon.

May dahilan ang lahat ng bagay at ang bawat nagaganap ay ganundin – may lantad at minsan ay tagong dahilan. Mahirap paniwalaan at maaaring ikaw ay hindi maniniwala sa isang sikreto ng buhay na ating ibibisto ngayon tungkol sa pagsusuot ng kuwintas, partikular ang gold necklace.

Ang totoo nga, baka ngayon mo lang din maririnig o mababasa ang tagong dahilan sa pagsusuot ng kuwintas.

Nagkalat sa mundo ang masasamang elemento at minsan, ang elementong ito ay tinatawag na negatibong enerhiya, minsan naman, masamang tao kung saan mayroon siyang masamang ugali, gawi at motibo.

Sa larangan ng mistiko, ang tawag sa kanila ay kampon ng kadiliman. Mahirap paniwalaan, ‘di ba? Pero ang madaling paniwalaan ay ang katotohanang takot ang kampon ng kadiliman sa liwanag. Ito ang dahilan kung bakit ang mga tao ay nagsusuot ng kuwintas. Hindi man nila alam ang ganitong bagay, dahil sila ay nakikiuso o gumagaya lang dahil maganda ang may kuwintas, hindi na ‘yun mahalaga.

Ang importante ay takot ang kadiliman sa liwanag. Dahil ang ginto ay kumikinang, ito ang magre-repel sa masasamang elemento.

Kaya sabi ng iyong panaginip, maliligtas ka sa tao na may masasamang motibo, gayundin sa masasamang elemento na nagkalat sa mundo.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page