top of page
Search
  • Socrates Magnus

Puno ng duhat, simbolo ng lalaking mamahalin dahil marupok at mahina

Salaminin natin ang panaginip ni Syne na ipinadala sa Facebook Messenger.

Dear Professor,

Nahulog ako sa puno ng duhat. Hindi ko naman alam kung saan ‘yun dahil wala kaming puno ng duhat. Meron kaming mga puno ng mangga na madalas kong inaakyat.

Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Syne

Sa iyo Syne,

Buti na lang kung mangga ang puno na nasa iyo dahil kung puno ng duhat, puwedeng mahulog ka talaga sa totoong buhay tulad ng aktuwal na nangyari sa iyong panaginip.

Alam mo, ayon sa mga datos ng mga aksidente tuwing summer, ang nahulog sa puno ng duhat ang nangunguna sa listahan. Ang nahulog sa pag-akyat sa puno ng mangga ay bihira lang, as in, mas masarap umakyat sa puno ng mangga kaysa sa ibang punong namumunga.

Sa panaginip, ang nahulog ay mai-in love dahil sa Ingles, ang in love ay “fall in love,” dahil dito, ibinabalita ng iyong panaginip na mahuhulog ang loob mo sa lalaking malakas ang dating sa iyo.

Sa biglang tingin, ang balitang ito mula sa iyong panaginip ay masayang balita dahil sa katotohanang kapag nai-in love ang tao, siya ay sumasaya.

Gayunman, bilang pagtatapat sa iyo, ang lalaking mamahalin mo ay may mahina at marupok na personalidad dahil marupok at mahina ang sanga ng puno ng duhat, kaya maraming nadidisgrasya sa pag-akyat sa puno nito.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page