Kabuhayan ng mga manggagawa, walang katiyakan hangga’t walang bakuna kontra COVID-19

June 12, 2020

Ms. Korina Sanchez / Isyung 'K'

  

 

Ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA), tumaas ng 17. 3 porsiyento ang bilang ng mga walang trabaho sa bansa noong Abril, nahigitan nito ang 10.3 percent na unemployment rate na naitala noong 1998 sa bansa.

 

Mahigit dalawang buwang sumailalim ang bansa sa enhanced community quarantine, partikular ang Metro Manila. Dahil napilitang magsara ang maraming negosyo at industriya, kaya natural na maraming nawalan ng trabaho.

 

Ngayong nasa ilalim ng general community quarantine ang Metro Manila, unit-unting nababawasan ang bilang ng mga natengga nating kababayan dahil sa muling pagbubukas ng ilang negosyo at pabrika.

 

Bagama’t maraming negosyo ang napilitang magsara na lang sa laki ng nawala sa kanila noong quarantine, may tiwala ang NEDA at Department of Finance na makakabawi ang bansa sa pagkakaroon ng trabaho para sa mamamayan ngayong GCQ na. May mga nagsasabing makakabawi naman ang ekonomiya ng bansa sa susunod na taon.

 

Paniniwala naman ng ilan, hindi lubusang mawawala ang problema ng mga manggagawa kung hindi masosolusyunan ang kakulangan ng pampublikong transportasyon. Sa Hunyo 21 pa ang pangalawang yugtong pagbalik ng pampublikong transportasyon, pero hindi pa rin papayagan ang mga karaniwang jeepney.

 

Samantala, noong Hunyo 1, nagdagsaan ang mga nais iparehistro ang kanilang sasakyan sa mga tanggapan ng Land Transportation Office (LTO). Pero dalawang araw pa lamang ay isinara na muna ang limang tanggapan nito sa Metro Manila dahil sa nagpositibong mga empleyado sa rapid testing.

 

Sa kabila ng unti-unting pagbangon sa ilalim ng “new normal” ay nariyan pa rin ang babala at peligro ng COVID-19. Nakasalalay ang ekonomiya at kabuhayan ng mga Pinoy sa sitwasyon ng COVID-19.

 

Pero hangga’t walang bakuna, hindi natin masasabi ng katiyakan ng lahat.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.