top of page
Search
  • Madel Moratillo​

16 OFWs na nakulong sa Bahrain, nabigyan ng royal pardon


Inanunsiyo ng Department of Labor and Employment (DOLE) na 16 OFWs na nakulong sa Bahrain ang nakasama sa nabigyan ng royal pardon.

Ayon sa DOLE, nitong selebrasyon ng Eid Al-Fitr ay 154 inmates ang binigyan ng royal pardon ni King Hamad bin lsa Al Khalifa ng Kingdom of Bahrain kung saan nakabilang din ang 16 Pinoy.

Kabilang sa mga nabigyan ng pardon ay mga na-convict dahil sa drug peddling, murder, accessory to murder, attempted homicide, prostitution, embezzlement of funds, pagnanakaw, human trafficking at pagkakasangkot sa away.

Ang 11 sa 16 na Pinoy ay nai-deport na sa bansa habang patuloy namang inaayos ang deportation ng iba pa.

Ang iba pang OFWs na nabigyan ng pardon ay para sa kinahaharap na kasong drug peddling, pero nahaharap pa sa pagkabilanggo ng 7 taon dahil sa human trafficking.

Ang royal pardon ay patunay lang umano ng mas matibay na pagkakaibigan ng Pilipinas at Bahrain.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page