top of page
Search
  • Socrates Magnus

Bagay na may kaugnayan sa tubig, dapat gawing negosyo

Salaminin natin ang panaginip ni Teresa na ipinadala sa Facebook Messenger.

Dear Professor,

Ano ang ibig sabihin ng panaginip na namumulot ako ng coins at papel sa ilalim ng tubig?

Naghihintay,

Teresa

Sa iyo Teresa,

Una, kaya mo napanaginipan na namumulot ka ng coins at papel ay dahil noon pa man, iniisip mo na kung ano ang magandang negosyo para sa iyo at kung saan ka yayaman.

Sa pagkakataong ito, sumagot na ang iyong panaginip at ang sabi ay yayaman ka sa negosyong maliliit ang kita, pero kapag pinagsama-sama, ikaw ay magugulat dahil yayaman ka.

Ang totoo nga, ang mga negosyong lumaki at naging kumpanya ay nagmula sa maliit na kita. Sa mga pangkaraniwang tao, hindi sila naniniwala sa ganitong katotohanan sa larangan ng pagnenegosyo.

Kaya marami ang bilang ng hindi makapagnegosyo ay dahil ikinakatwiran nila na wala silang malaking puhunan, kumbaga, kapag nahawakan ang maliit na halaga ng pera, hindi ito ilalaan sa negosyo dahil iniisip nila na kulang ito.

Pero ang mga nagtagumpay at kinilala sa larangan ng pagpapayaman, maririnig mo sa mga talumpati nila na ang kanilang negosyo ay nagmula ay barya-baryang kita.

Kaya pakinggan mo ang iyong panaginip na nagbibisto sa iyo ng sikreto ng pagpapayaman.

Ano ang puwede mong gawing negosyo? Sumagot din ang iyong panaginip at sinabing ang anumang bagay na iniuugnay sa tubig ay ang negosyong para sa iyo.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page