top of page
Search
  • Socrates Magnus

Ahas, simbolo ng tagabantay ng kayamanan

Salaminin natin ang panaginip ni Dulce na ipinadala sa Facebook Messenger.

Dear Professor,

Nasa bukid ako na parang gubat, tapos may nakita akong malaking ahas, sinundan ko ‘yun, tapos nakita ko na umakyat siya sa parang punso o tirahan ng anay o langgam na tirahan din ng mga nuno sa punso.

Lalapit sana ako kaya lang, naisip ko na baka tuklawin ako ng ahas. Tapos, hindi ako umalis sa kinatatayuan ko pero ‘yung ahas ay nakikita ko pa rin. May nakita rin ako sa tabi ng punso na malaking sako na gawa sa tela. Ano ang ibig sabihin ng panaginip kong ito?

Naghihintay,

Dulce

Sa iyo Dulce,

Ang ahas sa panmaginip ay sumisimbolo ng maraming bagay. Una, ang ahas ay tukso at ito ay dahil ang unang ahas sa mundo ay tinawag na manunukso.

Ang isa pang kahulugan ng ahas ay kaibigan na traydor. Ito ay dahil ang ahas ay biglang nanunuklaw na pangkaraniwan at ang tinutuklaw ay nakatalikod.

Gayundin, ang ahas ay simbolo ng kagalingan o paggaling ng may sakit dahil nagkasakit ang mga tao at hindi gumaling-galing, kaya si Moses ay naglagay ng imahe ng ahas sa itaas ng poste at kung sinumang tumingala at tumingin sa ahas ay gagaling.

Marami pang sinisimbolo ang ahas, pero may isa ka pang dapat malaman dahil ito mismo ang ahas sa iyong panaginip.

Ang ay tagabantay kayamanan, kaya ang panaginip mo ay nagsasabing ang pagyaman ay malapit nang mapasaiyo. Ibig sabihin, sa maniwala ka o hindi, yayaman ka na.

Pero baka magsisigaw ka sa tuwa at mawala sa isipan mo na ang yaman ay iniingatan at pinahahalagahan, kaya kapag yumaman ka na, ganundin ang gawin mo. Ingatan at pahalagahan mo ang iyong yaman tulad ng ahas sa iyong panaginip na tagapagbantay kayamanan.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page