Face-to-face learning sa iskul, papayagan lang ‘pag may bakuna na, period!

June 9, 2020

Ms. Korina Sanchez / Isyung 'K'

  

“Walang bakuna, walang pasok.”

 

Natatandaan ba ninyo ang pahayag na ito mula kay Pangulong Rodrigo Duterte?

 

Hindi sang-ayon ang Pangulo sa regular na pasukan kung saan magsasama-sama ang mga mag-aaral sa isang silid-aralan.

 

Pero hindi tuluyang mahihinto ang pag-aaral dahil mayroong balik-eskuwela ngayong Agosto 24, 2020 na siyang pinagkasunduan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) at Department of Education (DepEd). 

 

Bilang paglilinaw, papayagan lamang ang face-to-face learning kung saan pisikal na papasok ang mga mag-aaral kapag natukoy na mababa na ang posibilidad na mahawa sa COVID-19 o tiyal na ang pagkakaroon ng bakuna kontra sa deadly virus.

 

Sa tingin natin, dapat pag-aralan pa ang iba’t ibang pamamaraan ng pagkatuto tulad ng tinatawag na blended learning, videoconferencing, homeschooling at iba pa. Mula Hunyo 1, kailangang mag-seminar ang mga guro sa iba’t ibang pamamahagi ng pag-aaral na dulot ng new normal. Samantala, nagsimula na ang enrollment noong Hunyo 1. Bagama’t hindi pa nag-aaral ang aking kambal, pero may mga pamangkin akong pumapasok pa sa iskul. Makikita mo ang pagkadismaya sa kanilang mukha sa bagong pamamaraan ng pag-aaral. Ang pagpasok sa paaralan ay hindi para sa pag-aaral lamang kundi para makasama ang mga kaklase’t kaibigan.

 

Hindi ko maisip kung paano maipatutupad ang mga subject kung saan maraming laboratoryo kung hindi papasok sa paaralan. Sa totoo lang, hindi ko rin maisip kung paano makapag-aaral nang maayos ang mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

 

Naiintindihan ko ang homeschooling pero may limitasyon ito. At paano ang mga walang gadget o internet? Pero kung meron man, maaasahan ba ang ating internet sa buong bansa? 

 

Lahat ‘yan ay puwedeng magbago kung sisipa ang bilang ng COVID-19 sa paaralan. Ang delikado ay mga bata na ang hahawaan. Kung hindi pinayagang lumabas ang mga bata noong quarantine, ligtas na kaya ngayon o sa Agosto? Maraming nagbabala sa tinawag na “second wave”. Sana naman ay huwag itong magmula sa mga paaralan.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.