Rekomendasyon ng IATF kay P-Duterte... Metro Manila, isailalim sa GCQ mula June 1-15

May 28, 2020

 

 

Kinumpirma ni Inter-Agency Task Force Special Adviser Dr. Tony Leachon ang kanilang rekomendasyon na isailalim sa general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila at Davao City mula June 1-15. 
 

Sa kasalukuyan, ang Metro Manila at Davao City ay nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ). 
 

Mananatili naman umano sa MECQ ang Cebu City na itinuturing na "second epicenter" ng COVID-19. 
 

"MECQ ang Cebu City dahil sila ang second epicenter. The rest of the country ay modified GCQ," sabi ni Leachon. 
 

Ayon kay Leachon, ilang barangay naman sa Metro Manila ang isasailalim sa lockdown at enhanced community quarantine ng kani-kanilang local government unit depende sa sitwasyon ng COVID-19

sa kanilang lugar. 
 

“Kung pula ka, critical zone ka. Kapag orange ka, that will be ECQ. Kapag orange kayo po, ay ang tawag po diyan ay containment zone. May mga cases kada isang area,” ani Leachon. Ipinunto ni Leachon na hindi lamang nakabase sa bilang ng kaso ng COVID-19 sa mga barangay kundi sa density ng kanilang populasyon kumapara sa land area nito. 
 

Nabatid na magkaiba rin ang magiging kategorya nang nasa urban at rural areas. 
 

Una rito, sinabi ni COVID-19 response chief implementer Carlito Galvez na kinukonsidera ang implementasyon ng localized lockdown bawat "zones" kung kinakailangan.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.