top of page
Search
  • BRT

Quarantine pass, 'di na kailangan sa ilalim ng GCQ


Hindi na kailangan ng quarantine pass kapag tuluyan nang isinailalim ang Metro Manila at iba pang lugar sa general community quarantine (GCQ).

Gayunman, nilinaw ni COVID-19 shield commander Gen. Guillermo Eleazar na tanging mga manggagawa na magbabalik-trabaho at mga residenteng bibili ng essentials ang puwedeng lumbas sa GCQ.

Aniya, mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pamamasyal at ang mga bibili ng mga essential needs ay dapat sa loob lamang ng kanilang lokalidad.

Nasa edad 21 hangang 59 lang ang papayagan na lumabas maliban sa mga senior citizen na mag-a-avail ng essential services.

Bagama't, posible pa rin ang case-to-case basis sa implementasyon ng GCQ guidelines.

Mananatili naman ang pagpapatupad ng curfew habang umiiral ang GCQ.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page