Panukalang nagpapalawig sa Bayanihan to Heal as One Act, inihain sa Senado

May 28, 2020

 

Naghain si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri ng panukalang batas na magpapalawig sa validity ng Bayanihan to Heal as One Act hanggang Setyembre 30, 2020.
 

Sa ilalim ng naturang batas ay binibigyan ng dagdag na kapangyarihan si Pangulong Rodrigo Duterte para matugunan ang problema sa COVID-19 pandemic.
 

Nakatakdang mag-expire sa Hunyo ang naturang batas.
 

Nakasaad sa panukala na kapag pinalawig ang batas, mabibigyang pagkakataon ang Pangulo na i-exercise ang realignment ng items sa national budget at iba pa niyang kapangyarihan sa ilalim ng batas.
 

Matatandaang, inaprubahan ng Kongreso ang Bayanihan Law noong Marso 23 at nilagdaan ni Pangulong Duterte noong Marso 25. 

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.