top of page
Search
  • Shane Ludovice

Kaalaman tungkol sa blepharitis o pamamaga ng mga talukap ng mata

Dear Doc. Shane,

Bago mag-lockdown ay nagkaroon ako ng problema sa mga mata. Ayon sa aking doktor, ito ay tinatawag na blepharitis. Binigyan niya ako ng eye drop pero lately ay parang muli itong bumabalik at natatakot akong bumisita sa ospital para magpagamot. May iba pa bang paraan kung pano ito magagamot? – Grace

Sagot

Ang blepharitis ay ang pamamaga ng mga talukap ng mata. Nagkakaroon ng pamamaga kapag ang mga oil gland ng talukap ay nairita o nabarahan ng dumi o anuman.

Mga sanhi:

  • Pagdami ng bakterya sa mga mata

  • Viral infection

  • Pamamahay ng parasitiko sa mga mata

  • Hormone imbalance

  • Alerhiya o allergy

  • Seborrheic dermatitis

Mga sintomas:

  • Pamamaga, pangangati at pamumula ng talukap ng mga mata

  • Mahapding pakiramdam sa mga mata

  • Pagtutubig o pagluluha ng mga mata

  • Pakiramdam na tila may nakabara sa ilalim ng mga talukap

  • Paglalangib ng mga pilikmata

  • Panunuyo ng mga mata

  • Madaling pagkasilaw

  • Panlalabo ng paningin

Upang maiwasan ang pagkakaroon ng blepharitis, iminumungkahing gawin ang mga sumusunod na pag-iingat:

  • Panatilihing malinis ang mukha. Upang matanggal ang anumang mikrobyo na kumapit sa mukha, hugasan ito lalo na bago matulog. Tanggalin at hugasan ng tubig at sabon ang anumang makeup sa mukha nang sa gayon ay hindi mairita ang mga mata.

  • Iwasang matuyo ang mga mata. Upang hindi manuyo ang mga ito, patakan ang mga mata ng mga eye drop.

  • Kumain ng mga pagkaing mayaman sa Omega-3. Ang mga pagkaing mayaman sa Omega-3 ay nakatutulong upang maiwasan ang anumang pamamaga ng katawan. Makukuha ang omega-3 sa pagkain ng mga isda tulad ng salmon, tuna, sardinas at iba pang pagkaing-dagat.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page