top of page
Search
  • BRT

Deep UV-LED ng Japan, 99.9% epektib vs. COVID-19


Isang deep ultraviolet LED light ang na-develop sa Japan na sinasabing nakapagpapahina umano ng COVID-19 at ng infection capacity nito ng 99.9%.

Ang Deep UV-LED ay bunga ng joint experiment ng University of Miyazaki at Nikkiso Co.

Ayon sa Nikkiso, kung may panganib man ito sa tao o kalikasan ay kakaunti lamang.

Napatunayan ding epektibo ang Deep UV-LED sa allergens matapos subukang gamitin sa Aeropure air purifier sa isang kumpanya sa Tokyo.

Sa ginawang eksperimento, ginamitan ng Deep UV-LED light sa liquid culture ng virus.

Makalipas ang tatlong araw, nakita na ang virus' infection capacity ay bumaba sa mahigit 99.9%.

Ayon kay Hiroko Inagaki, assistant professor sa Faculty of Medicine ng University of Miyazaki, maliban sa paghuhugas ng kamay at pagsusuot ng protective clothing ay dapat na samahan din ng ibang bagay na maaaring makatulong upang makabalik sa normal na pamumuhay.

At umaasa aniya silang makakatulong dito ang Deep UV-LED light.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page