top of page
Search
  • BRT​

2 batang magkapatid, patay sa bomba

Maguindanao—Dalawang batang magkapatid ang namatay at sugatan ang 14 pang katao nang may sumabog na bomba kamakalawa sa Bgy. Kitango, Datu Saudi Ampatuan.

Nakilala ang magkapatid na biktima na sina Aslamiya, 10-taong gulang at Asnauda Tambak, 7-taong gulang, samantalang kinikilala pa ang mga sugatan sa pagsabog.

Ayon sa ulat, nasa labas ng kanilang bahay ang mga biktima nang biglang may sumabog sa kanilang lugar.

Kaagad rumesponde ang mga awtoridad at dinala sa ospital ang mga biktima, pero idineklarang dead-on-arrival ang magkapatid.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad para madakip ang mga responsable sa pagpapabog ng bomba sa nasabing lugar.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page