Walang bakuna kontra COVID-19, walang face-to-face classes — DOH

May 27, 2020

 

 

Iginiit ngayon ng Department of Health ang kanilang rekumendasyon na dapat ay manatiling suspendido ang face-to-face classes hangga't wala pang bakuna laban sa COVID-19.
 

Paliwanag ni Health Usec. Ma Rosario Vergeire, mahirap ipatupad ang minimum health standards gaya ng physical distancing sa mga face-to-face class setup.
 

Maging sa loob mismo aniya ng mga school campus ay wala ring katiyakang maipapatupad ang physical distancing sa mga estudyante.
 

Bagamat nauunawaan aniya nila na malaking hamon ito sa karamihan ng mga Filipino lalo na at hindi naman lahat ay may access sa internet connection. 
 

Binigyang-diin ng DOH ang pagbibigay ng prayoridad sa kaligtasan ng mga mag-aaral.
 

"Dapat nating maging priority ang kaligtasan ng ating mga anak bago ang kanilang edukasyon, hanggang sa magkaroon tayo ng garantiya na magkakaroon sila ng proteksiyon laban sa virus, " pahayag ni Vergeire.
 

Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang una nang nagsabi na hindi siya pabor na magbukas ang klase hangga't wala pang bakuna sa COVID-19.
 

Kaugnay nito, tiniyak naman ng Department of Education na pinaghahandaan nilang mabuti ang New Normal.
 

Sinabi ni DepEd Usec. Disodado San Antonio na naghahanap sila ng paraan para matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral.
 

Ilan sa inilatag na mode of learning ng DepEd ang distance learning na maaaring gawin online o sa pamamagitan ng mga printed modules na ihahatid sa bahay ng mga estudyante.
 

Sa distance learning aniya papasok ang malaking papel na gagampanan ng mga magulang sa pag-aaral ng kanilang mga anak.
 

Kaya naman ang DepEd ay nakahanda rin aniyang gabayan ang mga magulang para masiguro na matuturuan nang tama ang mga estudynate kahit nasa bahay lang.
 

Ilan pa sa pinag-aaralan ng DepEd ang blended learning o pinagsamang face-to-face class at distance learning at isa pa ay ang home schooling para sa mga estudyante.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.