top of page
Search
  • Editoryal

Usapin sa kaligtasan at edukasyon, kailangan pag-aralang mabuti

Mananatiling suspendido ang mga klase sa bansa hangga’t walang bakuna kontra COVID-19.

Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos ianunsiyo ng Department of Education na muling magbubukas ang klase ngayong August 24, 2020.

Aniya, hindi siya papayag na magsama-sama ang mga estudyante hanggang sa makatiyak na sila ay ligtas sa banta ng deadly virus.

Sa kabila nito, ipinaliwanag ni Presidential Spokesman Harry Roque na ang tinutukoy ng Pangulo ay magbubukas lamang ang face-to-face classes kung mayroon nang bakuna at kung wala nang umiiral na community quarantine. Pero hindi ibig sabihin na hindi na talaga magbabalik-klase ang mga estudyante.

Magpapatupad umano ng “blended learning” ang DepEd kung saan gagamitin ang computer, TV at community radio stations para maituloy ang pag-aaral.

Samantala, tuloy naman ang online learning sa mga pribadong paaralan.

Hindi maitatangging malaking hamon ang COVID-19 para sa lahat kung saan maging ang edukasyon ng mga mag-aaral ay kailangang ipagpaliban.

Ngunit kung iisipin, kaunting panahon lamang ang isasakripisyo kumpara sa maaaring mawala kapag pinilit na palabasin ang mga ito.

Bagama’t marami sa mga magulang ang pabor na ikansela pansamantala ang pagpasok sa eskuwelahan ng mga mag-aaral, huwag sanang huminto ang DepEd sa pag-iisip ng mga alternatibong paraan na lahat ay makakasabay.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page