Pagbubukas ng klase sa Agosto 24, tuloy — Palasyo

May 27, 2020

 

Iginiit ng Malacañang na tuloy ang enrollment sa mga public schools sa June 1.

 

“Tuloy po 'yan dahil hindi naman po tayo pupuwede na walang preparasyon," wika ni Presidential Spokesman Harry Roque.

 

Una nang itinakda ng Department of Education ang enrollment period ng mga mag-aaral para sa mga public schools mula June 1-30.

 

Habang tuloy din ang pagbubukas ng klase sa August 24, physically o virtually man ito.

 

"Ang sigurado po, tuloy ang pag-aaral ng mga kabataan. Ang isyu na lang, ano ang sitwasyon pagdating ng Agosto 24: ito ba ay sapat na para tayo ay mag-face-to-face [classes] o blended," ani Roque.

 

Nabatid na papayagan lamang ang face-to-face classes sa mga lugar na wala na sa community quarantine.

 

Habang ipatutupad naman ang "blended learning" sa mga lugar na nasa ilalim pa rin ng quarantine tulad ng paggamit ng internet, radyo at telebisyon para turuan ang mga mag-aaral.

 

Matatandaang inihayag ni Pangulong Duterte na hindi nito papayagan ang face-to- face classes hangga't walang bakuna kontra COVID-19.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.