top of page
Search
  • Mercy Lejarde

Idinadaan na lang sa dasal... MAJA, AMINADONG TODO-ALALA DAHIL SA COVID-19


Aminado si Maja Salvador na tulad ng karamihan ay nag-aalala siya sa maaaring mangyari ngayong humaharap sa krisis ang mundo dahil sa COVID-19.

“Hindi ako nalalayo sa inyong lahat. Siyempre, maliban sa naiinip na, nakaka-worry kung ano ang mangyayari sa susunod na araw dahil until now, wala pang mass testing, hindi ba? Ilan buwan na tayong nasa loob ng ating kani-kanyang bahay. Ang mga trabaho natin, nahinto lahat. Gusto kong sabihin na okay ako, okay naman ako, pero alam ko, hindi natin masabi na 100% ay okay tayong lahat dahil mayroon tayong pinagdaraanan lahat,” ani Maja sa online show na Rise and Shine ng host na si DJ Jhai Ho.

At bagama't ‘di madali ang pinagdaraanang pagsubok, hindi nawawalan ng pag-asa si Maja na matatapos din ang lahat.

“Tulad ng sabi nila, kapit lang. Huwag tayong mag-give-up. Sabay-sabay tayong magdasal para umalis na si Coronavirus, mawala na ang virus,” ani Maja.

Pag-amin ni Maja, hinahanap-hanap na niya ang pagtatrabaho.

“Siyempre, kapag workaholic ka, mami-miss mong gawin na everyday kang gigising nang maaga, pupunta sa set, magte-taping. After ng work, dinner with friends, mga ganyan. Pero 'yun nga, hindi natin magawa 'yun ngayon. Malaking bagay na may online shows na tumutulong sa atin,” Maja even added.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page