Hirit ng Metro Manila mayors... Jeep at bus sa GCQ, bawal

May 27, 2020

 

Tutol ang mga Metro Manila Mayors sa pagbabalik-operasyon ng mga jeepney at bus sa ilalim ng general community quarantine (GCQ).

 

"Huwag na lang sana ang buses and jeepneys dahil mahirap ikontrol ang physical distancing," sabi ni MMDA General Manager Jojo Garcia sa Laging Handa public briefing.

 

Nang tanungin naman hinggil sa kakulangan ng pampublikong transportasyon sa GCQ, sinabi ni Garcia: "Of course magkukulang 'yan eh, pero gradually i-increase natin 'yan. Number one po muna ang safety, and health bago natin mai-travel ang mga tao."

 

Unti-unti naman aniya na gagawan ng paraan ang naturang problema sa transportasyon.

Ang importante umano ay huwag itong biglain at posibleng magkagulo.

 

"Hindi po nawala ang COVID-19. We still need to minimize 'yung movement ng tao," diin ni Garcia.

 

Samantala, pabor naman sila sa pagbiyahe ng mga taxi, Transport Network Vehicle Service (TNVS), tricycle at P2P buses.

 

Matatandaang nagkaisa ang Metro Manila Council na isailalim na sa GCQ ang National Capital Region sa June 1 mula sa modified general community quarantine (MECQ).

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.