top of page
Search
  • Erlinda Rapadas

Dati, super sosyal, pati dining table, Versace... ALLAN K., IBINENTA NA ANG MANSIYON SA KYUSI


Erlinda Rapadas / Teka Nga

Isa si Allan K. sa mga artistang nagmula sa pagiging mahirap bago nabigyan ng break sa showbiz at sumikat nang husto. Malaking factor ang daily exposure niya sa longest-running noontime show na Eat… Bulaga! kaya nakilala siya bilang comedian-TV host. Nagka-pelikula siya, nagkaroon ng shows at concerts abroad at naging in demand sa mga events.

Nakapag-ipon siya at nagpundar ng mga properties. Bonggang-bongga ang kanyang mga gamit sa bahay. Branded ang lahat ng kasuotan.

Nai-feature pa nga noon sa isang showbiz magazine ang mga gamit ni Allan K. na pati ang kanyang dining set, sala set atbp. ay tatak-Versace. Ang sosyal-sosyal ng kanyang mga kagamitan at dekorasyon sa bahay!

Well, nasaan na kaya ngayon ang dining set ni Allan K? Kasama ba ito sa ibinenta niyang dati niyang malaking bahay na nasa Kyusi?

Nagsawa na ba siya sa magarbo at sosyal na lifestyle kaya simple living na ang gusto niya ngayon?

At least, na-enjoy naman ni Allan K. ang mabuhay nang marangya dahil nagsikap siya na maabot ang kanyang goal.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page