Babala ng mga eksperto... NCR, 'pag isinailalim na sa GCQ, kaso ng COVID-19 tataas

May 27, 2020

 

 

 

Nagbabala ang mga eksperto mula sa University of Santo Tomas na posibleng tumaas ang kaso ng COVID-19 sa sandaling isailalim na sa general community quarantine ang National Capital Region sa June 1.
 

Ito ang pahayag nina Associate Professor Bernhard Egwolf at Dominican biologist Fr. Nicanor Austriaco base sa kanilang isinagawang epidemiological model sa kahihinatnan kapag isinailalim na

sa GCQ ang Kamaynilaan.
 

"At this rate, the model predicts that the total number of cases in Metro Manila will continue to increase gradually and will not plateau for many months, though the forecasted number of active cases will also be decreasing," wika nina Egwolf at Austriaco.
 

Maganda naman anila ang idinulot ng maagang implementasyon ng gobyerno ng ehanced community quarantine sa Metro Manila na nakapagligtas ng libo-libong buhay sa Kamaynilaan.
 

Ikinumpara rin nila ang naitalang namatay sa Metro Manila na 621 lamang habang sa New York City ay nakapagtala naman ng 16,232 base sa record noong May 21.
 

Hiniling naman ng mga eksperto mula sa University of the Philippines na manatili pa rin sa modified enhanced community quarantine ang Metro Manila.
 

Masyadong maaga pa umano ang pagsasailalim sa GCQ ng Metro Manila na maituturing na high rish pa.
 

"The reproduction number of NCR, which is oscillating at around 1.0 rather than showing a discernible decrease, is a sign that it might be premature to relax the MECQ to GCQ," pahayag ni UP research team member Assistant Professor Ranjit Rye.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.