Pagbibigay ng anti-malaria drug sa COVID patient, ititigil na — DOH

May 26, 2020

Kinumpirma ni Health Usec. Ma Rosario Vergeire na ititigil na rin ng Department of Health ang pagbibigay ng anti-malarial drug na hydroxychloroquine sa mga pasyente na may COVID-19.

 

Ayon kay Vergeire, kasunod na rin ito desisyon ng World Health Organization na itigil muna ang pagbibigay ng gamot na ito hangga't patuloy ang ginagawang review sa kaligtasan nito.

 

Sinabi ni Vergeire na nakatanggap din ng liham ang kanyang tanggapan hinggil sa pagpapatigil sa pagbibigay ng nasabing gamot sa mga COVID patient.

 

"We follow WHO guidelines on this because this is a WHO solidarity trial. Infact this morning nagpalabas na ng sulat ang ating proponent at pinadala na sa aking opisina at sinasabi na we are pulling out and we are stopping giving this hydroxychloroquine to our patients," pahayag ni Vergeire.

 

Ang hydroxychloroquine ay kasama sa mga gamot na pinag-aaralan sa solidarity trial kung epektibo sa COVID-19.

 

Kaugnay nito, nilinaw naman ni Vergeire na hindi pa sila maaaring maglabas ng anumang resulta o kung nagkaroon ng epekto ang nasabing gamot sa ilang COVID patient na nabigyan nito dahil sa nagpapatuloy pa ang kanilang ginagawang clinical trial.

 

"Now with regards to the results o anuman resulta sa mga pasyente na nasa ospital ay di pa natin puwedeng ilabas 'yan dahil we are on the clinical trial phase. But rest assured na titigil na tayo sa pagbigay ng gamot dahil ito ay nirekumenda ng WHO," dagdag pa ni Vergeire.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.