NTC, ipinababasura sa SC ang hirit na TRO ng ABS-CBN

May 26, 2020

 

Ipinababasura ng National Telecommunications Commission sa Korte Suprema ang hirit na Temporary Restraining Order ng ABS-CBN para ipatigil ang cease and desist order na una na nitong inilabas.
 

Sa 157 pahinang komento ng NTC sa Korte Suprema kaugnay ng inihaing petition for certiorari and prohibition ng ABS-CBN, isa-isang sinagot ng NTC ang mga argumento ng ABS-CBN. 
 

Isa rito ang paninindigan ng NTC na hindi sila umabuso sa kapangyarihan nang maglabas ng CDO na nagpatigil sa operasyon ng ABS-CBN.
 

Giit ng NTC, valid ang naturang CDO at sakop ng kanilang kapangyarihan na ipatigil ang operasyon ng isang network na wala nang prangkisa mula sa Kongreso. 
 

Sinabi pa ng NTC na hindi rin nangangahulugan ng prangkisa ang inilabas na liham ng Committee on Legislative Franchise ng Kamara at ang Senate Resolution No. 40 na nagsasabing dapat ituloy pa rin ang operasyon ng TV network habang naka-pending ang franchise renewal nito.
 

Hindi rin umano maituturing na pagsagka sa kalayaan sa pamamahayag ang kanilang CDO at hindi rin nito pinagkakaitan ng karapatan sa tamang impormasyon ang publiko. 
 

Kinontra din ng NTC ang posisyon ng ABS-CBN nang magsumite ito ng petition for certiorari sa SC dahil maaari lamang umanong gamitin ang Rule 65 ng Rules of Court kung walang apela o

kaukulang remedyong legal. 
 

Nilabag din umano ng ABS-CBN ang doktrina ng hierarchy of courts. 
 

Hindi rin naniniwala ng NTC na nagkakaroon ng tinatawag na irreparable damage sa kumpanya ang cease and dessist order nito. 
 

Hiniling din ng NTC na alisin na bilang mga parties to the case ang House of Representative at ang Senado. 

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.