top of page
Search
  • V. Reyes

Coronavirus emergency sa Japan, inalis na


Napagkasunduan ng advisory panel sa Japan na tanggalin na sa state of emergency ang lahat ng prefecture sa bansa.

Bunsod ito ng pagbaba ng naitatalang bagong infection case sa bansa gayundin ang bilang ng mga naoospital.

Susuriin umano ng gobyerno ang sitwasyon sa loob ng tatlong linggo upang unti-unting luwagan ang social at economic activities sa bansa.

Kaugnay nito, hinihikayat ang lahat ng kanilang mamamayan na iwasan munang bumisita sa ibang prefecture hanggang sa susunod na buwan.

Samantala, inanunsiyo rin ng Japan ang travel ban laban sa iba’t ibang bansa para hindi na kumalat pa ang coronavirus sa kanilang lugar.

Ayon kay Japanese Prime Minister Shinzo Abe, magiging epektibo ang kautusan sa Mayo 27.

Umakyat na sa 111 ang mga bansa na bawal na pumasok sa Japan kabilang na ang US, at karamihan sa Asia na kinabibilangan ng China at South Korea at maging ang Pilipinas.

Maghihigpit din sila sa pagbabantay ng border control measures kasama na ang visa suspension at 14-day quarantine period sa lahat ng mga Japanese nationals na dumarating sa kanilang bansa hanggang sa katapusan ng Hunyo.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page