top of page
Search
  • BRT​

2 Karnaper ng motorsiklo, arestado

Laguna—Dalawang karnaper ng motorsiklo ang inaresto ng pulisya kamakalawa sa Bgy. San Gabriel, San Pablo City.

Ang mga suspek ay nakilalang sina Hardy Barcelon at Ismael Laja, kapwa residente sa nasabing lalawigan.

Ayon sa ulat, may natanggap na impormasyon ang pulisya na nangangarnap ng motorsiklo ang dalawang suspek at pagkaraan ay pinaghihiwa-hiwalay ang mga piyesa nito upang ibenta sa kanilang mga kliyente.

Dahil dito, agad sinalakay ng pulisya ang safe house nina Barcelon at Laja at dinakip ang mga suspek na kapwa nahaharap sa kasong carnapping.

Nakumpiska sa safehouse ng mga suspek ang mga binaklas na mga piyesa ng mga motorsiklong kanilang kinarnap.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page