top of page
Search
  • Gina Pleñago​

Pinay, nagpakamatay habang nasa POLO shelter sa Lebanon


Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na isang Filipina household service worker sa Lebanon ang nagpakamatay.

Base sa impormasyon, naganap ang insidente noong Mayo 23, 2020. Nasa pangangalaga ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) ang Pinay nang ito ay magpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon mula sa silid kung saan siya namamalagi.

Kaugnay nito, tiniyak ng embahada ang kaligtasan ng iba pang OFWs na nananatili sa shelter at bibigyan din sila ng counseling.

Siniguro naman ng pamahalaan na tutulungan ang pamilya ng OFW para sa mabilis na repatriation ng mga labi nito.

Sa ngayon ay umiiral ang lockdown sa Beirut at hindi pa naibabalik ang international commercial flights sa Lebanon.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page