Rider, niratrat ng mga armado

May 23, 2020

Batangas—Isang rider ang namatay nang barilin ng mga hindi kilalang armadong salarin kamakalawa sa Bgy. Sabang, Tuy.

 

Nakilala ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Juan Eslibo, residente sa nasabing bayan.

 

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, habang nakasakay si Eslibo ng kanyang motorsiklo ay biglang sumulpot ang van na lulan ang mga suspek at agad pinagbabaril ang biktima.

 

Dahil sa tinamong mga tama ng bala sa katawan ay agad namatay sa pinangyarihan ng krimen ang biktima.

 

Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang sa biktima.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

  • hamburger icon blgr