top of page
Search
  • Madel Moratillo​

Pier 45 sa San Francisco, nasunog


Nasunog ang isang warehouse sa Pier 45 sa San Francisco, California.

Umabot ng hanggang sa ikaapat na alarma ang sunog bago ito idineklarang "contained" ng mga pamatay sunog.

Ayon kay Lt. Jonathan Baxter, ng public information office ng San Francisco Fire Department, dahil sa sunog ay nasira ang warehouse sa Pier 45.

Sa nasabing warehouse ay nagsasagawa umano ng malaking fish processing operation para sa northern California crab fleet.

Ang sunog ay nagsimula ganap na 4:17a.m oras sa California.

Nabatid na ang Pier 45 ay hindi nalalayo sa Pier 39 na isang sikat na tourist area.

Isang bumbero naman ang naiulat na nasugatan sa sunog.

Agad umanong nailikas ang mga tao sa pier at maging mga kalapit na establisimyento kaya wala ng ibang naiulat na nasaktan sa nangyaring sunog.

Patuloy naman ang imbestigasyon sa insidente.

Ibinalita naman ni Baxter na hindi nadamay sa sunog ang SS Jeremiah O'Brien, na isang World War II ship na nakabase sa Pier 45.

Naialis umano ang nasabing barko sa tulong ng mga fore boat.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page