P47 convenience fee, ibabalik ng Meralco sa mga konsumer, ayos!

May 23, 2020

Ka Ambo / Bistado

  

Ibabalik daw ng Meralco ang P47 convenience fee.

 

Yipeee, may pambili ako ng isang kilong bigas!

 

◘◘◘

 

IRE-REFUND sa mga nakabayad na ng electricity bills sa pamamagitan ng Meralco online app ang P47 convenience fee.

 

Ito ay agad na ipinatutupad.

 

Mainam naman!

 

◘◘◘

 

TINIYAK ito ni Meralco Spokesman Joe Zaldarriage.

 

Kinumpirma niya ito: “Waived na ‘yan from the time of the ECQ o magmula March 16 hanggang May 15. ‘Yung mga na-charge during the said period, i-re-refund namin ‘yan. Iisa-isahin namin ‘yung mga naapektuhan nito para naman sa ganun, what is due them, kahit naibayad na nila ‘yung P47 ay maibalik sa kanila.”

 

◘◘◘

 

IPINALIWANAG kasi ng Department of Energy (DOE) ang isyu ng charging kaya agad namang tumalima ang Meralco.

 

Ayon kay Meralco President and CEO Atty. Ray Espinosa, kanila nang sasaluhin ang P47 convenience fee na siningil sa pag gamit ng Meralco Online app!

 

◘◘◘

 

HUMINGI na ng paumanhin ang Meralco.

 

“I sincerely apologize for this lapse. Meralco will shoulder the convenience fee charged during the aforesaid ECQ period and refund to the customers the fees they paid during this period,” wika ni Espinosa!

 

◘◘◘

 

NILINAW din ng Meralo na ang convenience fee ay hindi napupunta sa kanila, bagkus ito ay napupunta sa Meralco Online third-party service providers.

 

 “I wish to assure you that we shall be more sensitive in the future and shall be ever mindful of the best interest and well-being of our customers,” dagdag ni Espinosa!

 

◘◘◘

 

HINIMOK ng Meralco ang mga consumer na magbayad ng kanilang bills sa online para manatili na lang sa bahay.

 

Ito ay para na rin makaiwas sa nakatatakot na COVID-19 at maiwasan ang mahabang pila, lalo ngayong panahon na ng tag-init!

 

◘◘◘

 

SOBRANG init kahapon.

 

At ang lahat ng tao ay gumagamit ng aircon unit at electric fan.

 

Mahalagang magkaroon ng maayos na supply ng elektrisidad!

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

  • hamburger icon blgr