top of page
Search
  • Erlinda Rapadas

No match daw sa ex ng Miss U na si Clint Bondad... SAM PALAOS NA, CATRIONA GINAGAMIT LANG


Erlinda Rapadas / Teka Nga

Maraming netizens ang tutol sa relasyong Catriona Gray at Sam Milby. Hindi raw bagay ang dalawa at may nag-akusa pa kay Sam na user.

Laylay na raw kasi ang career ng singer/actor kaya ang Ms. Universe na si Catriona Gray ang kanyang ginagamit ngayon upang makapag-ingay at muling uminit ang kanyang career.

Kahit na sabihin pang totoong na-in love sa kanya si Catriona, still, pinagdududahan ng publiko ang kanyang tunay na intensiyon sa beauty queen.

May ilan pa ang nagkukumpara kina Sam at Clint Bondad na ex-BF ni Catriona. Mas malakas daw ang appeal ni Clint kumpara kay Sam. At kung gugustuhin lang ni Catriona bilang isa siyang Ms. Universe, higit pa kay Sam Milby ang puwede niyang makarelasyon at makapagbibigay sa kanya ng maginhawang buhay at stable na future.

Pero mukhang simple lang naman ang katangiang hanap ni Catriona sa isang lalaki. Hindi siya after sa financial status basta mahal niya. Kay Sam Milby niya natagpuan ang kaligayahang hanap niya.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page