Longan, pampatanggal ng lungkot at stress, pampalakas pa ng isip “Ang longan fruit”

May 24, 2020

Halamang Gamot atbp. ni: Govinda Jeremaya

  


 
Masyado ka na bang naaapektuhan ng utos na bawal lumabas ng bahay? Sobrang lungkot mo na ba at masasabing depressed ka, na kapag lumalala pa ay puwedeng mauwi sa matinding depresyon?

 

Huwag kang mag-alala, ang kasagutan sa matinding depresyon ay simple lang, kumain ka ng longan! Subukan mo ito at magugulat ka dahil sa ilang piraso pa lang ng longan, madarama mo agad na ang lungkot ay nawawala na.
 

Kumain ka pa nang kumain nito at muli, magugulat ka dahil hahanap-hanapin mo ang lungkot at hindi mo na ito makikita pa.
 
Narito pa ang ilang benefits ng pagkain ng longan:

 

Nakababawas ng stress
 

Pampatanggal ng fatigue
 

Nagpapalakas ng isipan

 

Gayundin, gamit ang longan bilang:
 

Pampababa ng blood pressure
 

Pampalakas ng immune system
 

Pampababa ng blood sugar
 

Pampaganda ng blood circulation
 

Panggamot sa asthma
 
Bukod pa rito, ang longan ay may mababang calories at carbs, gayundin, ito ay zero fat. Ang isang tasang longan ay may 17 calories at 5 grams ng carbs.

 

Dagdag pa rito, ang longan ay:
Mayaman sa Vitamin C
Magnesium
Phosphorous
Potassium
Copper
Manganese
Niacin, Vitamin B-6 at folate
 
Ngayon na ang halos lahat ng tao ay naapektuhan ng lockdown at humihina ang katawan at kalusugan, madali rin namang makahanap nito dahil ngayon din ang panahon ng longgan.

 

Kahit saang fruit stand, sure na may longan, kaya walang katwiran ang sinumang hindi kayang labanan ang pakiramdam na kalungkutan na sa totoo lang ay depresyon na rin naman ang kauuwian.
 
Good luck!

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

  • hamburger icon blgr