Karapatan ng mga Pinoy na manggagawa sa ibang bansa

May 23, 2020

Dr. Persida V. Rueda-Acosta / Magtanong Kay Attorney

  

Madalas nating naririnig na ang mga overseas Filipino workers (OFWs) ang mga bagong bayani dahil sa mga dolyar na ipinapasok nila sa ating bayan mula sa banyagang bansa na kanilang mga pinagtatrabahuan. Kaugnay nito, sila ay pinagkakalooban ng batas ng mga karapatan at benepisyo upang maprotektahan ang kanilang kapakanan bilang mamamayang nagsasakripisyo. Isa sa mga benepisyo nila ay ang hindi pagkakaltas ng buwis na ipinapataw ng Taxation Law ng Pilipinas sa kanilang mga sahod mula sa ibang bansa.

 

Ang pangunahing proteksiyon ng OFWs ay ang mga nakasaad na istipulasyon sa kanilang Contract of Employment sapagkat dito nakasulat ang lahat ng responsibilidad na kanilang gagampanan at kumpanyang kanilang paglilingkuran kasama na ang mga benepisyo na kanilang tatanggapin. Alinman sa mga probisyong ito ang nilabag ng kanilang employers ay may karampatang batas tayo na poprotekta sa kanila.

 

Sa panahon na ang OFWs ay nagkakaproblema sa kanilang employers, may karapatan ang mga ito na humingi ng tulong mula sa embahada ng Pilipinas na nasa bansang kanilang pinagtatrabahuan kung saan may mga nakatalagang tao para tumulong sa kanila.

 

Ang Philippine Overseas Employment Agency (POEA) ay may mandato na magbigay ng libreng serbisyong legal sa mga biktima ng illegal recruitment at iba pang mga kasong administratibo o kriminal sa pamamagitan ng pagbibigay ng payong legal at pag-asiste sa paggawa ng mga papel kung saan nakasaad ang kanilang mga reklamo.

 

Ang mga OFWs ay may karapatan upang magsampa ng sibil, administratibo o kriminal na kaso laban sa banyagang employers na kanilang pinaglilingkuran. Sa pagpasa ng Republic Act (R.A.) No. 8042 o ang Migrant Workers and Overseas Filipinos Act of 1995, ang mga labor arbiters ay may hurisdiksiyon upang dinggin at pagpasiyahan ang lahat ng usapin na nagmula sa relasyon ng mga empleyado at kanilang employers sa ibayong dagat. Maging ang mga pinsalang pansalapi na natamo ng mga Pinoy na nagtatrabaho sa ibayong dagat dahil sa paglabag ng kanilang employers sa mga batas at sa mga nilalamang probisyon ng kontrata. Sa ganitong kaso, maaaring isama ang anumang kahilingan para sa aktuwal, moral at iba pang anyo ng kapinsalaan. Ang pagbabayad sa mga ito ay parehong pananagutan ng principal employer at recruitment agency, kaya marapat na nasa istipulasyon ng kontrata (Article 10, R.A. No. 8042).  

 

Kapag ang OFW ay natanggal sa kanyang trabaho sa ibayong dagat na walang makatuwiran, balido o pinapayagang dahilan na itinalaga ng batas o kanyang kontrata, ang nasabing OFW ay may karapatan para ipasauli ang kanyang placement fee kasama ang tinatayang interest na 12% kada taon bukod sa kabayaran ng kanyang suweldo para sa natitirang panahon sa kanyang kontrata. Ito ay alinsunod sa desisyon ng Korte Suprema sa kaso na pinamagatang Dionella A. Gopio vs. Salvador B. Bautista (G.R. No. 205953, June 06, 2018), kung saan sinabi ng Korte Suprema sa pamamagitan ni Honorable former Associate Justice Francis H. Jardeleza na: 

 

“Section 10 of R.A. No. 8042 provides that in case of termination of overseas employment without just, valid or authorized cause as defined by law or contract, the workers shall be entitled to the full reimbursement of his placement fee with interest of 12% per annum, plus his salaries for the unexpired portion of his employment contract or for three months for every year of the unexpired term, whichever is less.

 

 We declared the clause "or for three months for every year of the unexpired term, whichever is less" unconstitutional in the 2009 case of Serrano v. Gallant Maritime Services, Inc., [50] and again in the 2014 case of Sameer Overseas Placement Agency, Inc. v. Cabiles, after the provision found its way again in R.A. No. 10022 which took effect in 2010. We held that the clause violated substantive due process and the equal protection clause of the Constitution in that it generated classifications among workers that do not rest on any real or substantial distinctions that would justify different treatments in terms of the computation of money claims resulting from illegal termination. Thus, we held that the proper indemnity in illegal dismissal cases should be the amount equivalent to the unexpired term of the employment contract.” (Binigyang diin)

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

  • hamburger icon blgr