Horoscope | Mayo 24, 2020 (Linggo)

May 23, 2020

Maestro Honorio Ong

  

Sa may kaarawan ngayong Mayo 24, 2020 (Linggo): Nabubuhay ka dahil sa pag-ibig, bakit takot kang magmahal? Muli, sa pag-ibig ka nabubuhay. Huwag mong hadlangan ang sarili mo na ma-in love.

 

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kung saan ka masaya, ‘yun ang sundin mo. Saya ang nagbibigay-sigla sa kahit na sino, kaya ang saya ay hanapin mo at makikita mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-brown.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nakatutuwa ang mga pangyayari sa buhay mo. Sa pananatili sa bahay ng may katagalang mga araw, hindi ka naman gaanong gumastos, sa halip, ikaw ay nakatipid pa. Masuwerteng kulay-white.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Naipon ang lungkot sa katawan mo. Tumatawa ka at mukhang masaya, pero ang lahat ng ito ay pagkukuwanri lang. Huwag kang mabahala dahil malapit na ang mga araw ng kalayaan. Masuwerteng kulay-green.

 

CANCER (June 21-July 22) - Huwag mong pangaraping magkaroon pa ng kaugnayan sa mga taong hindi ka man lang naaalala sa panahon ng iyong pag-iisa at pangungulila. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Matatag at buo ang iyong loob. Hindi ito nagbabago kahit pa humaba ang mga araw na nasa bahay ka. Matatag ka at buo ang loob mo kaya anumang araw ay handa kang makipagsapalaran. Masuwerteng kulay-purple.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang mabahala dahil sa mahabang mga araw na hindi ka nakapaghanapbuhay at nabawasan ang kinikita mo. Pagkatapos ng lockdown, mabilis kang yayaman. Masuwerteng kulay-pink.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi nauubos ang mga oportunidad sa taong gustong umunlad ang buhay. Tulad mo, sa dami ng mga oportunidad na malalagay sa iyong harapan, makakapili ka ng bagay sa iyo. Masuwerteng kulay-beige.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Wala kang dapat patunayan sa kapwa mo. Hindi mo kailangang magpaliwanag sa kahit na sino, lalo na sa mga taong humuhusga sa iyo nang walang sapat na batayan. Masuwerteng kulay-blue.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ingatan mo ang sarili mo at magpalakas ka. Sa mga araw na ganap nang mawala ang utos na bawal lumabas ng bahay, magiging abala ka sa pagpapaunlad ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-black.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Malapit nang dumating ang mga araw kung kailan mayayakap mo na ang maliliit at malalaking suwerteng noon pa man ay inilaan na sa iyo ng kapalaran. Masuwerteng kulay-violet.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magagawa mo ang anumang gusto mo, basta maghintay ka lang. Ang unahin mong tutukan ay ang pagsunggab sa magagandang oportunidad. Masuwerteng kulay-peach.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag kang mangamba na magpahiram ng puhunan sa kilalala mo naman ang personalidad. Maganda ang nakatutulong sa kapwa dahil mas lalong pinagpapala ng nasa itaas. Masuwerteng kulay-red.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

  • hamburger icon blgr