Gen. Sinas na lumabag sa protocol ng ECQ, todo-paalala tungkol sa mass gathering, huwaw!

May 23, 2020

Pablo L. Hernandez III / Prangkahan

  

SCHOOL YEAR 2020-2021, DAPAT IKANSEL MUNA NI P-DUTERTE—Hangga’t wala pang bakuna kontra COVID-19, hindi tayo dapat magpakampante. Kailangang pakinggan at ikonsidera ni P-Duterte ang sigaw ng mga magulang na dapat ikansel muna ang pasok sa lahat ng antas ng paaralan.

 

Totoong importante ang edukasyon, pero sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa, mas importante ang buhay ng mga mag-aaral, ‘wag sana natin itong isugal, period!

 

◘◘◘

 

PINUTAKTI NA NAMAN NG BATIKOS SI GEN. SINAS—Nagbigay ng statement si NCRPO Director Gen. Debold Sinas tungkol sa mga kapatid na Muslim na bawal ang mass gathering sa pagtatapos ng Eid’l Fitr.

 

Isipin ninyo, si Gen. Sinas na pasimuno ng mass gathering nang magdaos siya ng birthday party sa tanggapan ng NCRPO ay nagbibigay ng babala ngayon na bawal ang mass gathering?

 

Dahil d’yan, pinutakti na naman ng batikos si Gen. Sinas, boom!

 

◘◘◘

 

KAPAG NAG-POSITIVE SA COVID-19 ANG HALOS 500 POGO CHINESE WORKERS, BAKA ‘YAN NA ANG IKALAWANG BUGSO NG VIRUS SA ‘PINAS—Matapos salakayin ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isang illegal na ospital para sa mga Chinese sa loob ng Fontana Leisure Park sa Clark sa Angeles City, kinunan ng Department of Health (DOH) ng COVID-19 test ang 490 Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) Chinese workers na nagwo-work sa Fontana.

 

Nakupo, sa dami niyan, huwag naman sanang mag-positive lahat sa virus kasi kapag nagkataon ay baka ‘yan na ang simula ng 2nd wave na pananasala ng COVID-19 sa ‘Pinas, ‘kakatakot!

 

◘◘◘

 

OWWA “NGANGA” SA 42, 000 STRANDED OFWs SA IBANG BANSA—Inamin ni National Task Force on COVID-19 Chief Implementer, Presidential Adviser Carlito Galvez, Jr. na kaya hindi pa sinusundo sa iba’t ibang panig ng bansa ang higit 42,000 overseas Filipino workers (OFW) na nawalan ng trabaho dulot ng pandemyang coronavirus ay dahil namumroblema umano ang gobyerno kung paano ia-accommodate ang ganyan karaming OFW para sa 14-days quarantine.

 

Kulang na lang, sabihin ni Galvez na “nganga” lang sina OWWA Administrator Hans Leo Cacdac at Deputy Administrator Mocha Uson sa kanilang mga posisyon kaya hanggang ngayon ay stranded pa rin ang mahigit 42K jobless OFWs, boom!

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

  • hamburger icon blgr