2 miyembro ng BIFF, todas sa engkuwentro

May 23, 2020

Maguinanao—Dalawang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang napatay sa naganap na engkuwentro sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at mga terorista kamakalawa sa bulubunduking lugar ng Bgy. Lower Salbu, Datu Saudi Ampatuan.

 

Kinilala ang mga napatay na sina Salamat Kutin at Narudin Akmad, kapwa miyembro ng BIFF na nakabase sa nasabing lalawigan.

 

Nagpapatrulya umano ang mga sundalo nang pagbabarilin sila ng mga terorista at dahil dito ay agad gumanti ng putok ang tropa ng pamahalaan kaya tinamaan ng mga bala sa katawan sina Kutin at Akmad.

 

Nang duguang bumagsak sina Kutin at Akmad ay mabilis na tumakas ang mga kasamahan nitong terorista.

 

Sa kasalukuyan ay patuloy pang tinutugis ng tropa ng pamahalaan ang mga tumakas na miyembro ng BIFF.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

  • hamburger icon blgr