Todo-displey ng outfit na pang-PPE ang dating... ESQUIRE PHILS. KAY HEART: 'DI ITO ANG PANAHON PARA MAGING FASHIONISTA

May 23, 2020

Nitz Miralles / Bida

  

 

Wala pang reaction si Heart Evangelista sa comment ng Esquire Philippines na… “Hey, Heart, It’s Really Not Time to Post PPE Fashion Statements on the Internet” at “There really isn’t a right time, either.”

 

Lumalabas na hindi pabor ang magasin sa mga posts ni Heart ng designer PPE. Kasama rin nito ang inirarampa ni Heart na “new normal looks” na mahal at hindi kaya ng mamamayang Pilipino.

 

Kahit may dumepensa kay Heart at sinabing ipino-promote niya ang pagsusuot at paggamit ng safety equipment, off pa rin para sa iba. Kahit nga may mga nagsabing maraming natutulungan si Heart sa pagiging fashionista, may mga naniniwala pa rin (kasama ang Esquire Philippines) na hindi ngayon ang right time na magpaka-fashionista lalo na kung ipino-post.

 

Pero sabi nga ng mga followers ni Heart, it’s her IG, her page at choice niya kung ano ang gusto niyang i-post.

 

Dahil fashionista, walang naniwala na dumaranas ng anxiety attack si Heart. Sa post nitong “One way I battle my anxiety is by keeping busy and creative,” may nag-comment ng “Would never have thought someone like you would have anxiety.”

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

  • hamburger icon blgr