Patung-patong na kaso kay Francis Leo Marcos — NBI

May 23, 2020

 

Madadagdagan pa ng patung-patong na kaso ang You Tube personality na si Norman Mangusin alyas Francis Leo Marcos, makaraang matuklasan ng National Bureau of Investigation (NBI) na mayroon siyang dalawang pasaporte.


Ayon kay Vic Lorenzo, hepe ng NBI-Cybercrime Division, lumabag si Mangusin sa passport law at tiyak din na mga peke ang isinumite niyang requirements kaya malamang na makasuhan din siya ng falsification of public documents.


Gayundin, inaalam ng NBI kung nagbabayad ng buwis si Mangusin dahil sinasabi niya na siya ay isang negosyante at maraming pera ngunit, hindi makita ng NBI ang pangalan ni Mangusin sa Ttop 10 tax payer ng BIR.


Nabatid kay Lorenzo na may limang tao na ang humarap sa NBI na umano'y nag-invest kay Mangusin.


Nanawagan ang NBI na magpunta na lamang sa tanggapan at gawing pormal ang kanilang reklamo laban kay Mangusin.


Habang ang iba ay binayaran umano ng tumalbog na tseke at ang isa naman ay nag-invest ng may P7 milyon.


Sinabi rin ng NBI na hindi pag-aari ni Mangusin ang ipinagmamalaki niyang bahay at sasakyan sa Green Meadows at hindi rin siya ang umuupa rito.


Nabatid na sa kasalukuyan ay may apat na kaso ang nakasampa laban kay Mangusin kabilang na ang paglabag sa Optometry Law, illegal recruitment at Estafa, Violence Against Women at Anti-Human Trafficking na walang piyansa.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

  • hamburger icon blgr