P81.6-M shabu nasabat, 2 todas sa engkuwentro

May 23, 2020

 

Dedbol ang dalawang suspek na target ng buy-bust operation nang makipagbarilan sa mga pulis at nakumpiska sa kanila ang tinatayang mahigit P81 milyong halaga ng shabu sa Taguig City Biyernes ng gabi.


Base sa sketchy report ng National Capital Region Police Office (NCRPO), namatay noon din ang dalawang suspek na sina Ryan Labandaria at Ervyn Querubin, kapwa nasa hustomg gulang.


Nangyari ang engkuwentro bandang alas-7:00 ng gabi kamakalawa sa kahabaan ng C6 Road, Bgy. Lower Bicutan, Taguig, sa gitna ng operasyon ng Special Operations Unit ng Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PNP-DEG sa pangunguna ni P/Lt. Colonel Glenn Gonzales, Regional Special Operations Group (RSOG), Regional Drug Enforcement Unit (RDEU), Regional Intelligence Division (RID) sa pamumuno ni P/Col Remus Medina at District and Intelligence Division at Taguig City Police Station sa pangunguna naman ni P/Col. Celso Rodriguez.


Bumili ang poseur-buyer sa mga suspek at dala ang P1 milyong buy-bust money pero, nakahalata ang mga suspek na pulis ang katransaksiyon kaya agad sumakay sa isang pick-up at iniwan ang kanilang kotse at nagtangkang tumakas.


Gayunman, pinaputukan nila ang police mobile na nauwi sa engkuwentro at pagkamatay ng dalawang suspek.


Nakarekober ng nasa 12 kilo ng shabu na nakasilid sa mga Chinese tea bag na tinatayang nasa P81,600,000 ang halaga, nang rikisahin ang mga naiwang ebidensiya na isang Toyota Altis, isang Nissan Navarra, isang kalibre .45 at isang KG9 Sub-machine gun.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

  • hamburger icon blgr