Nilinaw ng CDC: 'Di agad mahahawa sa paghawak sa bagay na kontaminado ng COVID-19

May 23, 2020

 

 

Nilinaw ng Centers for Disease Control and Prevention na bagamat posible, ay hindi naman kaagad mahahawa sa paghawak sa isang bagay na kontaminado ng COVID-19.
 

Batay ito sa updated guidelines na inilabas ng CDC.
 

Ang COVID-19 ay isang bagong disease at patuloy anilang pinag-aaralan ang mga paraan kung paano ito kumakalat.
 

Bagamat una nang sinabi ng CDC na maaaring mahawa sa pamamagitan ng paghawak sa COVID infected surface o mga bagay, hindi ito ang pangunahing paraan para mahawa sa virus.
 

Kaugnay nito, nilinaw din ng CDC na ang pangunahing paraan ng pagkalat ng virus ay sa pamamagitan ng person-to-person contact kahit maging sa mga hindi nakikitaan ng sintomas.
 

Payo ng CDC, para makaiwas sa virus, sundin ang social distancing, maghugas ng kamay gamit ang sabon at tubig, at palaging maglinis at mag-disinfect ng mga lugar na madalas hawakan. 
 

Batay sa pag-aaral, sinasabing ang  coronavirus ay maaaring mabuhay sa mga surface o iba pang bagay ng hanggang 3 araw habang 3 oras naman sa hangin.
 

Hanggang 4 na oras naman sa copper at 24 oras sa cardboard at 2 hanggang 3 araw naman sa plastic at stainless steel.
 

Pero ayon sa CDC, malabong makakuha ng COVID-19 sa mga takeout food bag dahil sa mababang kakayahang maka-survive ng  coronavirus dito.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

  • hamburger icon blgr