National archery sinimulan na ang online tournament

May 23, 2020

 

Nagsagawa na rin ng sarili nilang online competition ang national archers ng bansa para sa 60-arrow Qualification round ng Philippine Archery Virtual Shoot 2020.

 

Nanguna para sa national team sa kani-kanilang mga kategorya sina Pia Elizabeth Bidaure at 2000 Summer Olympics competitor at dating Southeast Asian Games gold medalist Jennifer Dy Chan.

 

Ang sophomore member ng pambansang koponan na si Pia ay hinigitan ang mga katunggali sa women’s Recurve sa naitalang 570 points, higit na mas mataas ng 9 na puntos kay Phoebe Amistoso sa 561puntos at sa nakababatang kapatid na si Monica Bidaure na may 553 marka.  

 

Pumukol naman ng 580 puntos sa men’s Recurve si Jason Feliciano upang angatan ang mahigpit na karibal nitong si Carson Hastie na tumudla naman ng 568 puntos.

 

Hindi pa rin nawawala ang malinaw na asinta ng beteranong si Chan ng lumabas na pinakamagaling ito sa qualifying rounds sa nalikom na 578 iskor laban kay world number 60 Andrea Robles sa women’s compound event. Tumarget lamang ng 568 puntos ang 22-anyos na Ateneo de Manila University graduate, samantalang dalawang linyang buhok lamang ang lamang ni Arnold Roxas kay Bob Badiola sa men’s side sa 593 at 591 puntos, ayon sa pagkakasunod.

 

Sasabak din ang 2019 SEA Games Mixed Team gold medalist tandem at mag-asawang Paul at Rachelle Dela Cruz para sa compound event.

 

Sinalihan ng 11 miyembro ng pambansang koponan ang kumpetisyon na may 18-meter distance range na may 40cm face targe, habang gaganapin ang knockout o Olympic Round sa Biyernes. Itinulad umano ang naturang online na torneo sa World Archery Lockdown shootout na napagwagian ni World Champion Sara Lopez ng Columbia.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

  • hamburger icon blgr