Natauhan daw habang hinihiwa ang wedding cake nila... IBINUKING NI MIKAEL: MEGAN, TAKOT NA TAKOT MAGPAKASAL

May 23, 2020

Vinia Vivar / Frankly Speaking

  

 

Dahil sagana sa oras ngayon ang mga tao na stuck at home sa pagpapatuloy ng community quarantine, kani-kanyang paraan ang lahat para magpalipas-oras. Gaya ng Kapuso couple na sina Megan Young at Mikael Daez na pinagdiskitahan ang kanilang wedding photos.

 

Ayon sa dalawa, kasalukuyan nilang binubuklat ang kanilang wedding photos na halos umabot sa 10,000 files! Aliw naman ang mga netizens sa ipinost na photo ni Mikael kung saan tila natatakot na hinihiwa ni Megan ang kanilang wedding cake.

 

“I randomly clicked on one and told myself I'd post it so here it is... now I'm wondering, why was Boneezy so scared of cutting that delicious strawberry shortcake?? Maybe she realized she was cutting away her freedom,” ani Mikael.

 

Samantala, ibinahagi naman ni Megan ang cute na larawan nilang mag-asawa kasama ang aso nilang si Soba.

 

“Meanwhile, I'll just share this photo that we took before we got ready for the reception. Soba was still so young! She looked like a little bear,” saad ni Megan.

 

Na-engage ang dalawa nu'ng taong 2014 at nagpakasal nitong early January. Habang tigil muna sa taping ang pinagbibidahang serye ni Mikael na Love of My Life, kasalukuyang napapanood muli ang My Husband’s Lover sa timeslot nito sa GMA Telebabad.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

  • hamburger icon blgr